Thursday, April 30, 2009
Back to fantasy land
By Joseph Peter R. Conzalez
Marian Rivera will be the new Darna on television! This was confirmed by GMA-7 through Wilma Galvante, SVP for Entertainment. She made the official announcement in the presence of GMA Films top honcho Annette Gozon-Abrogar, fellow execs Lilybeth Rasonable and Marivin Arayata and the children of the late Darna creator Mars Ravelo.
Actually, this is a solo vehicle for Marian unlike in the original plan in which Darna is supposed to share the screen with Captain Barbell.
As Darna, Marian is aware of the role’s physical and emotional requirements.
“I was told I have to undergo a lot of physical training. I have to learn various fight routines and stay fit and in top shape because the costume is sexy. Apart from this, I also have to be prepared emotionally because Darna’s alter ego Narda is a mortal and I have to show her human side. I know this is a big challenge for me but I’m thrilled to the hilt.”
Interestingly, her perennial screen partner Dingdong Dantes will not be her love interest in her new telefantasya. The only confirmed co-star as of this writing is child wonder Robert “Buboy” Villar who will play Ding, Darna’s sidekick of a brother.
“It’s just fine with me if I have a new leading man in Darna. I’m open to work with any actor. I know that it’s for the benefit of my career and Dong’s too. After Marimar, Dyesebel and Tadyang, I feel that we also need to be paired with other stars to grow. I’ll surely miss Dingdong but he can be a guest in Darna if ever, right?”
It’s inevitable that she’ll be compared to those actresses who previously played Darna on screen, especially Angel Locsin who is considered one of her rivals when it comes to popularity.
“To be honest, I already have that in mind. But I don’t want to be affected. For me, this is just work and it is part of the job. As I’ve stated earlier, I’ll just do my best in order to come up with an accurate portrayal of Darna,” Marian seriously ends.
Leading man ni darna
THAT'S ENTERTAINMENT Ni Master Showman Kuya Germs
Talagang masasabi kong napakasuwerte na ni Mark Anthony Fernandez kapag nakuha siyang leading man ni Marian Rivera sa Darna. Nagiging paboritong leading man na siya sa GMA 7. Kung sabagay, hindi naman alangan, bukod sa may looks siya, magaling din siyang artista at hindi problema sa kanyang mga nakakasama, artista man o sa produksyon.
Talagang masasabi kong napakasuwerte na ni Mark Anthony Fernandez kapag nakuha siyang leading man ni Marian Rivera sa Darna. Nagiging paboritong leading man na siya sa GMA 7. Kung sabagay, hindi naman alangan, bukod sa may looks siya, magaling din siyang artista at hindi problema sa kanyang mga nakakasama, artista man o sa produksyon.
Mag-uumpisa sa June ang Darna ni Marian Rivera.
Scene : Mag-uumpisa sa June ang Darna ni Marian Rivera.
Magsisimula na si Marian ng martial arts training bilang paghahanda sa action scenes ng Darna.
Magsisimula na si Marian ng martial arts training bilang paghahanda sa action scenes ng Darna.
E-mail brigade ng Dingdong-Marian fans, dinedma ng Siyete
By: Nitz Miralles
Basta
TINANONG si Dingdong Dantes kung sino ang gusto niyang maging leading man ni Marian Rivera sa Darna o Narda at madiing “wala” ang isinagot nito.
Hindi rin ito nag-comment sa nabalitang si Mark Herras ang ipapareha kay Marian sa bago nitong show.
Balak daw ng GMA-7 na bilhin ang rights ng kantang Narda ng Kamikazee para gawing theme song o kung ’di man, gamitin sa series.
Doble ang lungkot ng fans nina Marian at Dingdong dahil magtatapos na today ang Ang Babaing Hinugot sa Aking Tadyang at last project muna ito ng dalawa, next year na pagtatambalin uli.
Walang nangyari sa e-mail brigade ng kanilang fans sa Channel 7 dahil nakapag-decide na ang network na paghiwalayin muna sila at ibalik sa isang mas matinding series.
Wednesday, April 29, 2009
Marian to undergo physical training for Darna
April 27, 2009, 1:53pm
Expect a more agile and flexible Marian Rivera in the coming days as she undergoes tough physical training in preparation for her portrayal of Darna.
At the recent GMA-7 event announcing that the young actress has been formally tapped for role of the most famous Filipino heroine, Marian said she will undergo some serious physical training before taping starts for “Darna.”
“Nabanggit na nga nila sa akin na may mga training akong gagawin. Kasi, ang pagganap ng Darna ay physically and mentally draining. Lahat ng emosyon mo bilang isang artista ay ilalabas mo rin, kasi hindi lang naman basta lumalaban si Darna. Tao rin siya na magpapakita ng emotions niya sa lahat ng sitwasyon. Kaya ngayon pa lang ay hinahanda ko na ang sarili ko. Tinatanong ko na nga ang mga kailangan kong gawin, kasi alam kong malaking challenge ito for me. Tungkol sa pag-maintain ng kaseksihan, walang problema doon kasi binabantayan ko naman ang sarili ko,” Marian shared.
There are no confirmations yet as to who will play Darna’s love interest but her sidekick Ding will be played by “Zorro’s” Buboy. Another thing that’s clear though is that she will have to part with on-screen partner Dingdong Dantes for this project. “Siguro it’s time na may iba na akong makakasama ngayon sa new project. Kailangan na nating gawin ‘yon para na rin sa ikagaganda pa ng career namin ni Dingdong. Nasabi ko naman kay Dong na mami-miss ko talaga siya. Kasi nga, ever since “Marimar,” “Dyesebel,” at “Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang,” si Dong na ang nakasanayan kong makasama araw-araw sa taping.”
“Kaya nga noong last taping day namin, naiyak talaga ako kasi alam kong mami-miss namin ang isa’t isa. Pero kung may pagkakataon ba na magiging guest si Dong sa ‘Darna,’ bakit naman hindi puwede, di ba? Bahala na ang mga writers at mga taga-GMA-7 sa desisyon na ‘yan. Basta ako, open na ako to work with another actor, at gano’n din si Dong na puwede na siyang tumambal sa ibang artistang babae.”
When asked if she intentionally kept being chosen as Darna from the media before, Marian explained, “Yung mga sinasagot ko before sa mga interviews sa akin tungkol sa ‘Darna’ project, totoo ‘yon. Wala pa silang sinasabing new project ko at malayo ang project na ‘Darna’ sa isipan ko. Nasabi lang nila sa akin na pambata na project ang gagawin ko.”
Mark Anthony Fernandez is the new EFREN?
By: Nitz Miralles
Hindi nagmamadaling gumawa ng pelikula si Mark Anthony Fernandez dahil busy siya sa TV at hindi pa nga tapos ang All About Eve, nababalitang siya ang gaganap na Fernando Jose sa Rosalinda, na ikinatuwa ng actor kung totoo.
Honored daw siyang maging leading man ni Carla at okey din kung sa kanya ibigay ang role ni Efren sa Darna at makapareha si Marian.
Kung ano ang ibigay sa kanya’y tatanggapin at yayakapin niya nang bung-buo dahil trabaho ’yon, but as of now, sa AAE ang kanyang focus at gustong makasabay sa husay ng acting ng mga kasama.
Thankful din si Mark na parehong mabait sa kanya sina Iza Calzado at Sunshine Dizon, kaya kumportable siya.
Mas close siya kay Sunshine ngayon, nagtatawagan at lumalabas sila at ang pinakahuli’y kasama si Boy 2 Quizon, pero alam niyang magiging close rin sila ni Iza.
Hindi nagmamadaling gumawa ng pelikula si Mark Anthony Fernandez dahil busy siya sa TV at hindi pa nga tapos ang All About Eve, nababalitang siya ang gaganap na Fernando Jose sa Rosalinda, na ikinatuwa ng actor kung totoo.
Honored daw siyang maging leading man ni Carla at okey din kung sa kanya ibigay ang role ni Efren sa Darna at makapareha si Marian.
Kung ano ang ibigay sa kanya’y tatanggapin at yayakapin niya nang bung-buo dahil trabaho ’yon, but as of now, sa AAE ang kanyang focus at gustong makasabay sa husay ng acting ng mga kasama.
Thankful din si Mark na parehong mabait sa kanya sina Iza Calzado at Sunshine Dizon, kaya kumportable siya.
Mas close siya kay Sunshine ngayon, nagtatawagan at lumalabas sila at ang pinakahuli’y kasama si Boy 2 Quizon, pero alam niyang magiging close rin sila ni Iza.
Marian Rivera expects comparison to other actresses who played Darna
Ruel J. Mendoza
Friday, April 24, 2009
04:20 PM
Pagkatapos ng ilang linggong panghuhula kung sino ang gaganap bilang bagong Darna, pormal nang in-announce ng GMA-7 kahapon, April 23, na si Marian Rivera ang gaganap sa sikat na Pinay superhero character.
Base sa past interviews ni Marian kapag tinatanong siya kung siya ba ang gaganap na bagong Darna, wala siyang naging sagot na diretso. Wala raw siyang alam tungkol sa magiging next TV project niya after Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang.
"Yung mga sinasagot ko before sa mga interviews sa akin tungkol sa Darna project, totoo 'yon. Wala pa silang sinasabing new project ko at malayo ang project na Darna sa isipan ko. Nasabi lang nila sa akin na pambata na project ang gagawin ko.
"Masaya ako kasi kahit na sinong artistang babae ay nangarap na gumanap sila bilang si Darna, di ba? Ibang klase ang dating ng project na ito. Kaya gagawin ko ang makakaya ko para hindi ako mapahiya sa kanilang lahat," saad ng bagong Darna.
Handa na rin si Marian sa gagawing comparison sa kanya with the other actresses na gumanap bilang Darna, lalo na sa huling gumanap nito sa TV na si Angel Locsin.
"Ready naman ako sa ganyan kasi hindi naman maiiwasan talaga," ngiti ni Marian. "Noong ginawa ko ang Marimar, I was compared kay Thalia, di ba? Tapos noong gawin ko ang Dyesebel, na-compare din ako kay Ms. Vilma Santos. Kahit sino naman yata na gumanap na Darna, maku-compare sa mga gumanap na bilang Darna in the past.
"Kaya hindi ako worried sa pag-compare, kasi part na 'yan ng trabaho natin. Hindi maiiwasan talaga at wala akong problema sa ganyan. Ang sa akin lang ay gagawin ko ang dapat para maging credible ako sa pagganap ko as Darna."
THE PREPARATION. Marami raw gagawin na pagbabago si Marian sa kanyang sarili bilang paghahanda sa pagganap niya bilang Darna. Dadaan daw siya sa matinding training para fit ang kanyang katawan. Kailangan din na maintained ang kaseksihan niya dahil sexy ang costume ni Darna.
"Nabanggit na nga nila sa akin na may mga training akong gagawin. Kasi, ang pagganap ng Darna ay physically and mentally draining. Lahat ng emosyon mo bilang isang artista ay ilalabas mo rin, kasi hindi lang naman basta lumalaban si Darna. Tao rin siya na magpapakita ng emotions niya sa lahat ng sitwasyon.
"Kaya ngayon pa lang ay hinahanda ko na ang sarili ko. Tinatanong ko na nga ang mga kailangan kong gawin, kasi alam kong malaking challenge ito for me. Tungkol sa pag-maintain ng kaseksihan, walang problema doon kasi binabantayan ko naman ang sarili ko," saad ni Marian.
Wala pa raw napipiling aktor na gaganap na Efren, ang love interest ni Darna. Para kay Marian, open na siya na makatambal ang kahit na sino ngayon dahil maghihiwalay muna sila ng ka-love team niyang si Dingdong Dantes.
"Siguro it's time na may iba na akong makakasama ngayon sa new project," aniya. "Kailangan na nating gawin 'yon para na rin sa ikagaganda pa ng career namin ni Dingdong. Nasabi ko naman kay Dong na mami-miss ko talaga siya. Kasi nga, ever since Marimar, Dyesebel, at Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang, si Dong na ang nakasanayan kong makasama araw-araw sa taping.
"Kaya nga noong last taping day namin, naiyak talaga ako kasi alam kong mami-miss namin ang isa't isa. Pero kung may pagkakataon ba na magiging guest si Dong sa Darna, bakit naman hindi puwede, di ba? Bahala na ang mga writers at mga taga-GMA-7 sa desisyon na ;yan. Basta ako, open na ako to work with another actor, at gano'n din si Dong na puwede na siyang tumambal sa ibang artistang babae."
Isa pa lang ang sigurado na makakasama ni Marian sa Darna. Ito ay ang bata na gaganap bilang si Ding—si Robert "Buboy" Villar. Marami kasi ang nagkagusto sa magandang chemistry nila ni Marian noon sa Dyesebel.
As for the rest of the cast, magkakaroon pa ng ilang series of production meetings para mabuo ang istorya at bagong look ni Darna. Ibabagay raw nila sa personality ni Marian ang bagong Darna, pero nandoon pa rin ang original qualities ng naturang comics character na nilikha ni Mars Ravelo.
Ayon sa mga anak ni Mars Ravelo na sina Ruby Austria at Zaldy Ravelo, sang-ayon sila na si Marian ang kinuha ng GMA-7 para maging bagong Darna. Nang ikonsulta sila tungkol kay Marian, agad silang pumayag dahil para sa kanila, ang aktres ang "pinakamaganda at pinaka-sexy" na artistang gaganap bilang Darna.
Marian Rivera is the new Darna
Ruel J. Mendoza
Thursday, April 23, 2009
Opisyal nang in-announce ng GMA-7 na si Marian Rivera na ang gaganap bilang Darna sa muling pagbabalik sa telebisyon ng Pinay superhero na nilikha ni Mars Ravelo. Ginawa ang announcement kaninang hapon, April 23, sa 7th floor ng GMA Network Center.
Nilinaw ni Ms. Wilma Galvante, SVP for Entertainment TV ng GMA-7, na solo project ni Marian ang Darna. Gustuhin man daw nila na isama si Captain Barbell sa serye—as earlier plugged by GMA-7 two years ago—minabuti nila na isang buong story on Darna ang gawin nila. Pero lalabas pa rin daw ang character ni Captain Barbell sa series.
Masayang-masaya si Marian dahil muli siyang sinorpresa ng Kapuso network tulad ng pagsorpresa sa kanya nang ibigay sa kanya ang Marimar at Dyesebel.
"Nagulat talaga ako!" sambit ni Marian. "Hindi ko alam ito. Akala ko may pag-uusapan lang na new project. Yun pala, may surprise sila sa akin. Maraming salamat sa GMA-7 at patuloy ang tiwala nila sa akin."
Bukod kay Ms. Galvante, present din kanina ang GMA Films president na si Ms. Annette Gozon-Abrogar; sina Ms. Lilybeth Rasonable at Ms. Marivin Arayata ng GMA-7; at ang mga anak ni mars Ravelo na sina Ruby Austria at Zaldy Ravelo.
Matatandaang si Angel Locsin ang huling gumanap bilang Darna sa pagbabalik nito sa telebisyon, sa GMA-7 din, noong 2005. Ang iba pang mga aktres na gumanap na Darna sa TV at pelikula ay sina Rosa del Rosario, Liza Moreno, Eva Montes, Gina PareƱo, Vilma Santos, Rio Locsin, Lorna Tolentino, Nanette Medved, at Anjanette Abayari.
Si Marian pa lang ang ikalawang aktres na makakaganap sa dalawang sikat na Pinoy komiks characters—ang Darna at Dyesebel. Ang unang nakagawa nito ay ang Star For All Seasons n asi Ms. Vilma Santos.
Sa ngayon ay wala pang definite schedule kung kailan sisimulan ang taping ng Darna at kung kailan ito ieere.
Hindi pa rin binanggit kung sino ang magiging leading man ni Marian at ang mga makakasama niya.
Kasalukuyang napapanood si Marian sa primetime series na Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang, kung saan katambal niya si Dingdong Dantes.
Subscribe to:
Posts (Atom)